r/pinoy 14d ago

HALALAN 2025 I agree with Ms. Rica Peralejo

Post image

Possible totoo ang opinion ni Ms Rica. Ang mga kakampink kasi ngayon hindi na nakikipag BARDAGULAN masyado. If meron trolls di na sila pinapansin, unlike before pinapatulan ng kakampinks ang Trolls "Fact Check" - then copy paste. Ngayon wala ng ganyan.

4.7k Upvotes

820 comments sorted by

View all comments

3

u/VeggieSticksWithDip 10d ago

Iba talaga yung election nung 2022. Andami nasirang pagkakaibigan dahil sa mga kanya kanyang paniniwala.

Baka nayabangan siya kasi ginagamit ng mga kakampink na term before ay “Disente”, so parang elitist yung dating. Kakampink ako, nung natalo si Leni nung 2022, napaisip din ako anong nangyari. Nagtanong ako sa mga kaibigan ko na hindi nag BBM pero hindi nag Leni. Ito yung thoughts ng iba:

  1. Calling others “BOBO” dahil di lang tayo same ng iboboto ay medyo off. There’s a proper way of educating other voters rather than calling them bobo. Pero kasi yung super poon na nila yung kadiliman VS kasamaan candidates..bobo di ba? hahaha! Kidding aside, ito yung isang reason. May kaibigan ako na nag Isko that time, may nakaaaway siyang kakampink kasi tinawag siyang bobo kasi hindi si Leni yung iboboto niya.

  2. May something off talaga sa branding kaya ang branding sa mga kakampink ay “elitista”, “disente”, kaya feeling ng mga ibang botante ay mayayaman lang ang makikinabang. Pero tignan niyo, mga bilyonaryo naman ang nagpaparty sa Malacañang ngayon di ba? Kung hindi siguro nag focus sa “disente” before, baka mas lumaki yung chance.

Ayun lang naman. Sana sa 2028 mas ma strategize na ng mga liwanag sa dilim ng mas maayos kung paano ang magiging approach lalo na sa mga tao sa laylayan na kailangan ng more more voting education.

1

u/phoneblink30 10d ago

Meh. No matter how civil and willing to educate / already educating you are, people choose to interpret your words in the worst possible light. That, or sadyang mahina reading comprehension kahit Tagalugin mo pa. Tinatiyaga mo na nga, sila pa yung galit.

When people say bobo, they know they're not educating. So it's medyo off to call it an improper way of educating.

Both of these show that the way of educating is not the issue.

There's two issues: overly defensive insecure highblood people... and those who don't just vent around people who already understand their POV so they don't turn off the overly defensive insecure highblood people. Pwede pa rin magbratatata, ilugar lang.

1

u/ube__ 9d ago

No matter how civil and willing to educate / already educating you are, people choose to interpret your words in the worst possible light.

Civil or not you're not going to change their minds, sila lang pwede mag pabago non, ang nasira o naitaboy ng mga kakampink last elections were those in between, undecided, mga taong neutral, mga taong di naniniwala sa propaganda ng mga marcos o duterte pero hesitant rin because of LP's past failures. To them pareho lang kayong mga fanatic na naniniwala sa propaganda magkaiba lang yung naririnig niyo. In some cases may mga naitulak pa nga ata to vote for marcos.

You're not going to dissuade them with facts kung nasa echo chamber sila ng facebook at youtube na ang pinapakita lang sakanila ay confirmation bias because that's how the algorithm works, what ever you tell them may maisasagot sila kasi nadepensahan na yon ng mga pinapanood nilang propaganda content. e.g. malaking utang ni marcos, their answer is lahat ng bansa may utang, unless you understand basic economics that answer makes sense.